Smuggled luxury cars at big bikes, nadiskubre ng Bureau of Customs
Aabot sa mahigit 500 milyong piso ang halaga ng umano’y mga smuggled na luxury vehicles, na nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawang showroom sa Xavierville, Quezon City at sa San Simon, Pampanga.
Nagsagawa ng operasyon ang customs at NBI, matapos makatanggap ng report na sa mga nabanggit na lugar dinadala ang umano’y mga smuggled na sasakyan.
Kabilang dito ang Lamborghini, Ferrari at big bikes na gaya ng Ducati.
Bukod sa luxury cars at big bikes, nadiskubre rin ang ilang bulletproof sports utility vehicles, customized sports cars, trucks, boats at iba pa.
Nag-isyu ng cease and desist order ang customs at NBI, matapos madiskubreng walang sapat na importation documents ang naturang nga sasakyan.
Binibigyan ng 15 araw ang may-ari ng luxury vehicles na magprisinta ng kanilang mga dokumento, at kung walang maipakikita ay tuluyan nang kukumpiskahin ang mga nabanggit na mamahaling sasakyan, batay sa itinatakda ng customs modernization and tariff law.
Meanne Corvera