Luzon at Visayas grid isasailalim sa Yellow Alert dahil sa manipis na power supply
Isasailalim sa Yellow Alert ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente .
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, itataas ang Yellow alert ng ala una ng hapon hanggang ala – singko ng hapon.
Muling ibabalik ng alas otso ng gabi hanggang alas diyes ng gabi .
Nasa 14,963 megawatts ang available capacity ng grid laban sa inaasahang peak demand na 13,872 megawatts.
Samantala isasailalim din ang Visayas grid sa Yellow Alert .
Sa abiso ng NGCP itataas ang Yellow Alert sa Visayas grid mamayang ala una hanggang alas kwatro ng hapon at muling ibabalik ala sais ng gabi hanggang alas nueve ng gabi.
Nasa 2,877 ang available capacity ng Visayas grid habang inaasahan ang peak demand na 2,646 megawatts.