Luzon Region, mataas na ang demand ng kuryente kahit hindi pa summer – NGCP
Hindi pa man idinedeklara ng PAGASA ang pagpasok ng tag-init sa Pilipinas, pumalo na sa pinakamataas na peak ang demand ng kuryente sa Luzon Region.
Katunayan, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na hanggang noong march 24 ng taong ito, pumalo na sa 9, 459 Megawatts ang demand sa kuryente.
Halos 290 Megawatts na lang ang kulang sa pinakamataas na demand na naitala noong ikatlong linggo ng Abril noong 2016.
Pero pagtiyak ng NGCP, walang dapat ipangamba ang publiko sa posibilidad ng kakulangan ng suplay ng kuryente ngayong tag-init.
Kung masusunod ang forecast na 9, 870 Megawatts na peak o pinakamataas na konsumo ng kuryente ngayong Mayo, walang magiging problema dahil aabot sa 11 thousand Megawatts ang suplay.
Sinabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na may sapat na power reserve hanggang pagpasok ng tag-ulan at mangangailangan pa mag bog down ang dalawang malalaking planta sa Luzon bago makapagdeklara ng red alert.
Gayunman, hindi sila nakatitiyak na walang mangyayaring brownout dahil hindi naman sila nakatitiyak na walang masisirang planta, emergency shutdown o iba pang problema sa mga planta ng kuryente.
Kung ang NGCP ang masusunod, nais muna nilang ipagbawal ang lahat ng maintence work ng mga planta ng kurente pero hindi ito maiiwasan.
“We cannot give that assurance projection there are some factors beyond control like what I said no other plants that go on scheduling load 9, 860 megawatts no power upgrades we cannot give any assurance there are factors beyond our control the way people use electricity depending on the public exercise use of electricity and the second factor maintenance shutdown of the powrr plants outside declared and schedule”. – Alabanza
Bagaman may sapat na suplay, hinihimok ng NGCP ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Payo ng ahensya huwag sumabay sa oras na malakas ang demand ng kuryente tulad ng pamamalantsa sa katanghaliang tapat dahil maraming gumagamit ng aircon o electric fan.
Ulat ni: Mean Corvera