Maaaring mag-alok ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga cyber criminal – Sen. Cayetano

Iminungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano ang pag-aalok ng reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga cybercriminal.

Ayon kay Cayetano, maaaring mag alok ng 250 thousand hanggang 500 thousand pesos na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang hacker.

Dapat aniyang tugisin ng mga otoridad ang mga hacker para malaman ng publiko na hindi biro ang kanilang ginagawang cyber attack tulad ng nangyari sa Philhealth na pumaralisa sa kanilang operasyon

Sinabi ni Cayetano na maaaring gamitin ang intelligence at confidential fund ng ahensya.

Hinamon naman ni Cayetano ang DICT at mga attached agencies nito na palakasin ang kanilang cyber security at dapat may makukulong at mananagot sa kanilang ginawang krimen.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *