Maagap na pagkilos ng gobyerno sa Mayon evacuees, pinuri ng kongresista

Pinasalamatan ni Albay Congressman Joey Salceda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa personal na pagdalaw at pag-aabot ng ayuda sa mga residenteng nasa mga evacuation centers dahil sa pag-a-alburuto ng Mayon Volcano.

Sa nasabing pagbisita, mismong ang Pangulo ang nag-utos sa mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang sapat na supply ng food at non-food items para sa mga evacuees na tatagal hanggang 90 araw.

“With President Ferdinand Marcos Jr. directing the national effort, we are optimistic that Albay will get what we need.”

“This could be protracted sustained government support for weeks or months crucial to keeping Albay residents safe,” pahayag ni Salceda sa isang statement.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan matapos mabatid sa isinagawang situation briefing ng Office of Civil Defense (OCD) na nasa ₱30 milyon na lamang ang nalalabi sa quick response fund (QRF) ng lalawigan na tatagal lamang para sa 65 araw.

Sa karanasan, ang scenario tuwing nag-a-alburuto ang Mayon ay tumatagal ng 45 o 90 days hanggang 110 days.

“It could of course, get even longer than that this will be a waiting game until an explosive eruption happens, or the alert level goes down, we can’t really do much other than evacuate and wait.”

“So, this will really require stamina and patience. I am sure President Marcos and the national government will have the patience to see this through economic disruption will also be significant,” dagdag pa ni Salceda.

Sinabi ni Salceda, naging gobernador din ng lalawigan, na pinaka-apektado sa tuwing may aktibidad ang Mayon ang mga bayan na nasa southeast quadrant ng bulkan na pasok sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ).

Kabilang dito ang mga bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, at Santo Domingo, gayundin ang northeast quadrant na sumasakop sa bayan ng Malilipot.

Binigyang diin ni Salceda na hindi lamang relief goods ang dapat pagtuunan ng pansin ng Albay local government kundi ang kalusugan at kaligtasan ng mga residenteng pansamantalang nanunuluyan sa ibat-ibang evacuation centers.

“This will also require economic displacement support from DOLE, medical, hygiene, and psychosocial support from DOH, police presence, emergency and water provision from DILG, among others,” pahayag pa ng kongresista.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *