Maaliwalas na panahon, mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa
Amihan o Northeast Monsoon ang nakakaapekto ngayong araw sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Habang Easterlies naman ang umiiral sa Timugang Luzon at sa Kabisayaan.
Ayon sa Pag-Asa DOST, wala pa silang namomonitor na namumuong sama ng panahon o bagyo na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na mga araw.
Dahil sa umiiral na dalawang weather system ngayong araw, maulap na papawirin na may- kalat- kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol region sanhi ng thunderstorm.
Samantala, ang nalalabing bahagi naman ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan valley at Central Luzon na makararanas ng isolated rainshowers.
Dito sa Metro Manila ay aasahan ang maaliwalas din na panahon na may pulu-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
(Pag-Asa DOST)