Mabilis na pag-aksyon ni PBBM sa usapin ng umano’y kurapsyon sa LTFRB nakatanggap ng papuri sa commuters group

Ikinatuwa ng Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP ang agarang pagtugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa alegasyon ng kurapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, maraming problema na dapat resolbahin sa sektor ng transportasyon sa bansa na lalong lalala kung madagdagan pa ng usapin ng anomalya.

Pinapurihan ng LCSP ang pag-aksyon ni Pangulong Marcos para mabigyan ng malayang imbestigasyon sa umano ay talamak na lagayan sa regulatory agency

Ang pahayag ni Atty Inton ay kasunod ng pagsuspinde ni Pangulong Marcos Jr. kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz Jr matapos ang pagbubunyag ng umano’y lagayan sa pagkuha ng permit sa regulatory agency.

Naiintindihan ng Pangulo ang legal na proseso para paimbestigahan ang ibinunyag ng dating Executive Assistant ni Guadiz na si Jeffrey Gallos Tumbado.

Paliwanag ng LCSP, ang pamumuno sa LTFRB ay isang trabaho na nangangailangan ng dedikasyon, kredibilidad at puso para sa maliliit na sektor ng transportasyon sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *