Mabilis na pag-apruba sa panukalang 2018 proposed national budget isinusulong ng Chairman ng Appropriations Committee ng Kamara

Hiniling ni House Appropriations Committee Chairman Carlo Alexei Nograles sa kanyang mga kasamahang kongresista na agad aprubahan ang 3.7 trillion 2018 National budget.

Sa kanyang sponsorship speech,  sinabi ni Nograles na ang latag ng 2018 budget ay para sa pagtamo ng mga targets ng Duterte administration hanggang sa 2022.

Kabilang dito ang pagbaba sa 14% ng antas ng kahirapan mula sa kasalukuyang 21.6%, katumbas ito ng pag-ahon sa kahirapan ng 6 na milyong pilipino.

Gayundin ang pagbaba sa 3% hanggang 5% ng unemployment mula sa kasalukuyang 5.5% at pagtaas ng kita ng bawat Pilipino.

Nilinaw ni Nograles na ang 2018 budget ay sumusunod sa golden rule ng pangungutang… ibig sabihin, uutang lamang ang gobyerno para ipuhunan at hindi para tustusan ang kasalukuyan nang non-productive spending ng pamahalaan.

Kasama na sa pagmumulan ng 2018 budget ang kikitain mula sa Tax Reform na 134 billion pesos.

May nakalaan na din dito para sa National Id System na 2 billion,  may 10 billion para sa Marawi rehabilitation habang itinaas sa 89.4 billion ang alokasyon para sa conditional cash transfer program kung saan 4.4 million ang benepisyaryo.

Mahigit isang trilyon ang alokasyon para sa build build build program samantalang may 25 billion para sa modernization ng militar at 3 billion para sa modernization ng Philippine Coast Guard.

Para sa susunod na taon, ang top 10 agencies na may pinakamalalaking pondo ay ang Department of Education,  DPWH,  DILG kasama ang PNP,  DOH,  Department of National Defense kasama ang AFP,  DSWD,  Department of Transportation gayundin ang Department of Agriculture,  ARMM at ang DENR

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *