Macron muling nagwagi bilang Pangulo ng France
Muling nahalal bilang Pangulo ng Pransya si President Emmanual Macron nitong Linggo, matapos mag-concede o tanggapin ng kaniyang katunggali na si Marine Le Pen ang pagkatalo.
Pagsisilbihan niya ang ikalawa niyang limang taong termino. Ito ang unang beses sa loob ng 20 taon na may nare-elect o nagwagi sa ikalawang pagkakataon.
Matapos ang pagkapanalo, iwinagayway ng mga supporter ni Macron ang bandila ng France sa Champ de Mars park.
Sa maikli niyang talumpati makaraang mag-concede ay sinabi ni Le Pen . . . “A great wind of freedom could have blown over our country, the fate of the ballot box wanted otherwise. European leaders cannot ignore the great mistrust that the French people feel towards them. I will not abandon the French. Vive la France.”
Ang exit polls mula sa ikalawang round ng French presidential election, na sa pangkalahatan ay mapagkakatiwalaan, ay nagpapahiwatig na si Macron ay inaasahang kukuha ng 58.2% ng boto kumpara sa 41.8% ni Le Pen.
Naging mahigpit ang kampanya sa pagitan ni Macron at ni Le Pen simula pa ng unang around ng election cycle sa France na nagsimula sa unang bahagi ng Abril.
Sa ilalim ng batas ng France, ang mga botante ay boboto para sa dalawang election rounds kung walang kandidatong makakukuha ng higit sa 50% ng boto sa unang round.
Bagama’t pinapaborang manalo, bumagsak ang popularidad ni Macron bago ang challenges na kinaharap ng France kamakailan, habang si Le Pen ay nangampanya naman sa ilalim ng platapormang nakatuon sa inflation at tumataas na gugulin.
Ayon sa Interior Ministry, ang election cycle ay naharap sa mababang voter turnout na mayroon lamang 26.4% ng 48.7 million eligible voters na bumoto sa kalagitnaan ng araw ng halalan.
Samantala, ang mga supporter ng far-left candidate na si Jean-Luc Mélenchon, na nasa ikatlo sa likod ni Le Pen sa first round, ay nangako na iiwanang blangko ang balota bilang protesta.
Hindi inendorso ni Mélenchon si Macron nguni’t sinabing hindi dapat bumoto ang mga botante para sa far-right.
Makaraang mag-concede ni Le Pen, sinabi ni Mélenchon . . . “Madame Le Pen has been beaten. France has clearly refused to entrust its future to her, and this is very good news for the unity of our people. However, Emmanuel Macron has become the most poorly elected president of the Fifth Republic. His victory is floating in an ocean of abstentions and spoiled ballots.”
Binati naman si Macron ni Valérie Pécresse, kandidato ng center-right na Les Républicains party, matapos siyang matalo sa first round at naghinalang susuportahan ng kaniyang partido si Macron.
Aniya . . . “His victory should not hide the fractures of our country, leading Marine Le Pen to an unprecedented score,” at idinagdag na tutulong ang center-right para matigil na ang pagkakahati sa bansa.
Ang kaniyang election night victory event ay isinagawa ni Macron malapit sa paanan ng Eiffel Tower, habang isinagawa naman ni Le Pen ang kaniyang concession event sa Belle Epoque-style venue na isang dating hunting lodge.
Pinuri ni British Prime Minister Boris Johnson si Macron sa isang mensahe na kaniyang ipinost sa Twitter.
Ayon kay Johnson . . . “France is one of our closest and most important allies. I look forward to continuing to work together on the issues which matter most to our two countries and to the world.”
Pahayag naman ni Ursula von der Leyen, head ng European Commission . . . “I looked forward to the ‘excellent cooperation’ between France and Europe. Together, we will move France and Europe forward.”
Idinagdag ni German Chancellor Olaf Scholz . . . “French voters had sent a strong commitment to Europe today. I am pleased that we will continue our good cooperation!”