Mactan, Cebu International Airport ininspeksiyon ni Sen. Tulfo

0
Mactan, Cebu International Airport ininspeksiyon ni Sen. Tulfo

Photo courtesy office of Sen taffy Tulfo

Ininspeksiyon ni Sen. Raffy Tulfo ang Mactan Cebu Interntational Airport, dahil sa mga reklamo ng tanim bala.

Pati mga CCTV footage ay inusisa ng Senador.

Photo courtesy office of Sen taffy Tulfo

Kaugnay ito ng reklamo ng isang 47-anyos na pasahero na nakuhaan ngapat na bala ng baril sa kaniyang bagahe na lumabas sa security screening.

Sa inspeksiyon, ipinakita ng airport screening officer ang aktuwal na proseso ng pagsuri sa mga bagahe ng pasahero.

Photo courtesy office of Sen taffy Tulfo

Nagsagawa rin ng demo kung saan isang bagahe ang nilagyan ng tatlong bala at ipinasok sa xray machine, at dito nakita paano kusang nahihiwalay ang bagahe na may kontrabando sa conveyor belt.

Ipinakita rin ang mga proseso na pinagdaraanan tuwing may mga pasaherong nahuhulihan ng kontrabando.

Ipinaliwanag naman ng general manager ng paliparan na si Julius Neri, Jr., na walang nangyayaring tanim bala dahil nasusunod nila ang lahat ng security protocols.

Photo courtesy office of Sen taffy Tulfo

Aniya, hindi naman itinanggi mismo ng pasahero na pagmamay-ari nito ang mga nakuhang bala at wala siyang inaakusahan na miyembro ng Office of Transportation Security na nangikil ng pera matapos ang insidente.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *