Madalas na exposure ng mata sa sikat ng araw posibleng magresulta sa iba’t ibang uri ng eye disease – ayon sa mga eksperto
Isang paalala ngayong tag init, ang madalas na exposure ng mga mata sa matinding sikat ng araw lalo nasa Ultra Violet rays ay maaaring maging sanhi ng katarata.
Paliwanag ng mga eksperto, ang katarata ay isang uri ng eye disease na kung saan ang lente ng mga mata ay nawawalan ng kinang.
Ito ang magiging dahilan upang masira ang mga paningin.
Kabilang sa mga sintomas nito ay malabo o kulimlim na paningin, mga kulay na mukhang kumupas, ilaw na masyadong matindi ang liwanag, nabawasang paningin sa gabi, at dobleng paningin.
Samantala, sa mga taong gumagamit ng gadgets, may payo si Dr. Richard Nepomuceno, isang Opthalmologist.
Dr. Richard Nepomuceno, Opthalmologist:
“What we recommend para hindi masyadong nagda-dry yung mata for every 20 minutes na nakatutok ka weather computer yan, libro, tablets, cellphones noh for every 20 minutes, ipipikit mo ng 20 seconds as in nakapikit bilangin mo na 1, 1002, 1003, hanggang umabot ng 20 tapos pag mulat mo ituloy mo uli yung ginagawa mo yan yung parang pine-facing mo yung mata mo para hindi tuloy tuloy”.
Bukod sa katarata, sinabi pa ni Nepomuceno na may ilang uri ng sakit sa mata ang maaaring maranasan lalo na sa panig ng mga sanggol.
Kabilang dito ang Amblyopia or Lazy eye, sobrang pagluluha or excessive tears, pediatric cataract o katarata sa bata, pediatric glaucoma o glaucoma sa bata, retinopathy of prematurity, at developmental abnormalities tulad ng coloboma o butas sa mata, microphthalmia o maliliit ang mga mata, at underdeveloped optic nerve na lumalabas habang nasa sinapupunan pa ang bata.
Ulat ni Belle Surara