Madonna nagpapagaling na makaraang ma-ospital

Singer Madonna performs during the Bridgestone Super Bowl XLVI Halftime Show at Lucas Oil Stadium on February 5, 2012 in Indianapolis, Indiana / AFP

Nagpapagaling na si Madonna matapos dapuan ng bacterial infection na sanhi upang siya ay ma-ospital.

Sinabi ng 64-anyos na singer sa kaniyang social media post, “My first thought when I woke up in the hospital was my children. My second thought was that I did not want to disappoint anyone who bought tickets for my tour.”

Dahil sa pagkaka-ospital ay kinailangang i-postpone ni Madonna ang kaniyang halos sold out, 84-date “Celebration” tour na nakatakda sanang magsimula sa July 15. 

Sinabi naman ng kaniyang manager, na inaasahang lubusan nang gagaling ang singer.

Ayon kay Madonna, “My focus now is my health and getting stronger and I assure you, I’ll be back with you as soon as I can!”

Ang plano aniya niya ngayon ay simulan ang European leg ng kaniyang tour na nakatakdang magsimula sa October 14 sa London, gaya ng naka-schedule at i-rebook naman ang mga naunang petsa ng kaniyang show.

Ilang sandali matapos ilabas ni Madonna ang pahayag, ay kinumpirma na ng touring giant na LiveNation na ang North American dates na naka-schedule bago ang October 8 ay ipagpapaliban, ngunit agad din silang maglalabas ng mga bagong petsa.

Ang ilan sa pagdarausan ng tour ni Madonna sa Estados Unidos ay sa Detroit, Chicago, Miami at New York, ang siyudad kung saan nagsimula ang kaniyang pagsikat.

Ang Grammy-winning singer na nasa likod ng classics gaya ng “Like A Virgin” at “Material Girl,” ay nagkaroon ng malaking impluwensiya at itinuring na isa sa “top stars” sa mundo ng musika.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *