Magandang pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19, Inilahad ni Sec. Duque
Hinimok ng Department of Health ang publiko na maglagay ng kanilang sariling quick response o QR code bilang paghahanda sa COVID-19 vaccination roll out na inaasahang magsisimula na ngayong unang quarter ng taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, sa pamamagitan ng QR code mapapabilis ang pagbabakuna.
Kung may QR code kasi tinatayang aabot lang sa 2 hanggang tatlong minuto ang itatagal ng pagbabakuna.
Sinabi ni Duque hindi maaring gawing mano mano ang pagkuha ng impormasyon sa mga babakunahan.
Dahil maaring humaba ang pila at maaring masayang ang bakuna
Tinukoy ni Duque ang bakuna ng Pfizer na masyadong sensitibo at may tamang oras lamang ng paggamit nito
Si Duque kasama sina Deputy Chief Implementer National Policy Against COVID-19 Vince Dizon ay nagtungo sa Valenzuela para tingnan ang ginagawang paghahanda ng mga local government offcials para sa vaccination roll out
Meanne Corvera