Magdalo Rep. Alejano hinimok si Pangulong Duterte at ang Kongreso na taasan ang pondo para sa defense spending ng gobyerno
Hinimok ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Pangulong Duterte at ang Kongreso na taasan ang pondo para sa defense spending ng gobyerno.
Sinabi ni Alejano na ang Pilipinas ay kulelat sa mga bansa sa ASEAN pagdating sa Defense spending kaya hindi nakakapagtaka na malayo din ang kapasidad ng AFP kumpara sa mga karatig bansa.
Ang Pilipinas ay pangpito lamang sa mga bansa sa ASEAN sa defense spending dahil 1.30% lamang ito ng gross domestic product o GDP.
Binanggit pa ni Alejano na dalawang batas na ang nagtakda ng AFPmodernization program pero hanggang ngayon ay hindi pa din modernisado ang militar.
Babala ni aAejano, kung magpapatuloy ito ay hindi matutupad ang pangako ni Pangulong Duterte na magkakaroon ng credible defense ang Pilipinas bago ito bumaba sa pwesto.
Kung gusto aniya ng Pangulo na matupad ang credible defense na gusto nito, kailangang dagdagan ang pondo para sa AFP modernization.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo