Magkapatid na Parojinog inirekomenda ng DOJ na sampahan ng kaso sa Korte
Pinakakasuhan ng DOJ sa hukuman ang magkapatid na Parojinog dahil sa possession ng iligal na droga at illegal possesion of firearms and ammunition at explosives.
Sa resolusyon ng DOJ panel of prosecutors , nakitaan nito ng sapat na batayan ang reklamo na isinampa ng PNP laban kina Reynaldo Parojinog Jr. at Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog.
Inirekomenda ng DOJ na kasuhan si Parojinog Jr. ng Illegal Possession of Dangerous Drugs, Firearms and Ammunition at illegal possession of explosives.
Habang si Vice Mayor Nova ay pinasasampahan ng kasong illegal possession of firearms at ammunition at possession of dangerous drugs.
Pirmado ang resolusyon nina Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera at Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Ethel Rea Suril.
Inaprubahan naman ito ni Senior Deputy State Prosecutor Severino Gaña Jr.
Ang magkapatid ay naaresto ng pulisya sa madugong raid at 16 ang namatay kabilang ang kanilang mga magulang na sina Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at Susan.
Iginiit naman ng mga Parojinog na iligal ang pagsisilbi ng search warrant at itinanim ng mga otoridad ang mga ebidensya laban sa kanila.
Ulat ni: Moira Encina