Magkatunggaling heneral sa Sudan, nagkasundo sa 72-oras na ceasefire
Inihayag ni US Secretary of State Antony Blinken, na nagkasundo ang dalawang magkatunggaling heneral ng Sudan sa 72-oras na tigil-putukan ngayong Martes, makalipas ang 10 araw na labanan na ikinasawi na ng daan-daang katao, ikinasugat ng libu-libo at nagdulot ng maramihang paglilikas ng mga dayuhan.
Nabigong magtagal ang mga naunang pagtatangka na itigil ang labanan, ngunit sinabi ni Blinken, “Following intense negotiation over the past 48 hours, the Sudanese Armed Forces (SAF) and the Rapid Support Forces (RSF) have agreed to implement a nationwide ceasefire starting at midnight on April 24, to last for 72 hours.”
Ang pahayag ni Blinken ay ginawa dalawang oras bago magkabisa ang kasunduan, na nagsimula alas-10:00 Lunes ng gabi.
Una nang nagbanta si United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres at sinabing, “Sudan was on ‘the edge of the abyss’ and the violence could engulf the whole region and beyond.”
Ang labanan ay sa pagitan ng mga puwersang tapat kay army chief Abdel Fattah al-Burhan at sa dati niyang deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, na namumuno sa paramilitary na RSF.
Ang RSF ay bumangon mula sa Janjaweed militia na pinawalan ng noo’y pangulo ng Sudan na si Omar al-Bashir sa Darfur, na nagresulta sa war crimes charges laban sa kaniya at sa iba pa.
Si Bashir ay pinabagsak ng militar noong April 2019 kasunod ng mass citizen protests, na nagpasigla sa pag-asa para sa paglipat sa demokrasya.
Inagaw ng dalawang heneral ang kapangyarihan sa 2021 coup d’ etat, ngunit kalaunan ay nagkaroon na sila ng hidwaan, na ang pinakahuli ay tungkol sa planong pagsanib ng RSF sa regular army.
Ayon sa Forces of Freedom and Change, ang main civilian bloc na pinatalsik sa kapangyarihan ng dalawang heneral sa 2021 coup, “the truce would allow for dialogue on the modalities of a permanent ceasfire.”
Sinabi ng UN agencies, na hindi bababa sa 427 katao ang namatay at higit sa 3,700 naman ang nasugatan sanhi ng mga labanan, at kabilang sa pinakahuling nasawi ay ang assistant administrative attache sa embahada ng Cairo sa Khartoum, ayon sa foreign ministry ng Egypt.
Higit 4,000 katao na rin ang lumikas mula sa Sudan, sa foreign-organized evacuations na nagsimula noong Sabado.
Ang Estados Unidos at European, Middle Eastern, African at Asian nations, ay naglunsad ng emergency missions upang iligtas ang kanilang embassy staff at maging ang Sudan-based citizens “by road, air and sea.”
Sa ulat ng UN agencies, may ilang Sudanese civilians ang nagawang makatakas patungo sa Chad, Egypt at South Sudan.
Sinabi ni Attiya Abdallah, pinuno ng doctors’ union, na nitong Lunes ay nag-ulat ng dagdag pang casualties, “Morgues are full. Corpses litter the streets.”
Ayon naman kay Guterres, “We must all do everything within our power to pull Sudan back from the edge of the abyss.”
Humiling ang Britain ng isang emergency UN Security Council meeting sa Sudan, na inaasahang magaganap ngayong Martes, ayon sa isang diplomat.
Samantala, nagbabala rin ang International Crisis Group of analysts, “ fighting threatens to ‘quickly plunge the country into a full-scale war’ embroiling countless armed groups.”
© Agence France-Presse