Magnitude 6.2 na lindol yumanig sa Northeastern Japan
Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Northeastern Japan.
Ayon sa Japan Meteorological agency, naitala ang epicenter nglindol sa baybayin ng Aomori prefecture na may lalim na 30 kilometro.
Naramdaman rin ang pagyanig sa ilang lugar sa Aomori prefecture kabilang na ang Hokkaido prefecture at Iwate prefecture na umabot ng intensity 7.
Wala namang naiulat na major damage o casualties sa nasabing lindol at wala ring ipinalabas na tsunami warning.
=== end ===
Please follow and like us: