Magnitude 6.4 na lindol tumama sa Sarangani Island
Niyanig ng Magnitude 6.4 na lindol ang Sarangani island sa Sarangani, Davao Occidental
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs naramdaman ang naturang pagyanig bandang 4:02 ng umaga ngayong biyernes, Pebrero 24.
Naitala ang epicenter ng lindol 365 kilometro timog silangan ng Sarangani island na may lalim na 139 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Sa lakas ng lindol naramdaman ang intensity 3 sa Palimbang, Sultan Kudarat at intensity 2 sa mga munisipalidad ng Glan at Kiamba sa Sarangani at Tupi sa South Cotabato.
Habang intensity 1 naman sa mga bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental, Maitum at Malapatan sa Sarangani, Koronadal City at General Santos City sa South Cotabato.
Wala naman inaasahang pinsala at aftershocks sa naturang lindol.