Magnitude 7.1 na lindol, yumanig sa Peru, 2 patay
Dalawa ang naitalang patay at animnapu’t lima (65) ang sugatan sa magnitude 7.1 na lindol sa Southern Peru.
Ayon sa US Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay naitala sa Pacific Ocean, 40 na kilometro mula sa bayan ng Acari.
Sinabi ni Arequipa Governor Yamila Osorio na isang 55 taong gulang na lalaki mula sa bayan ng Yauca district ang namatay matapos mabagsakan ng malaking bato.
Samantala, nakilala naman ang isa pang biktima na si Hernando Tavera, presidente ng Geophysics Institute of Peru.
Pahirapan naman ang pagpapadala ng tulong sa mga apektadong lugar dahil sa maraming mga kalsada ang nasira.
=== end ===