Magnitude 7.3 na lindol, tumama sa Vanuatu
Isang magnitude 7.3 na lindol ang tumama sa Vanuatu region ngayong araw, Oct. 2, sa lalim na 535.8 kilometers.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), nangyari ang lindol bandang 6:29 UTC time o 2:29 ng hapon, oras sa Pilipinas.
Dahil malalim ang lindol, kaya hindi ito masyadong naramdaman.
Ikinukonsidera ito na isang “deep-focus earthquake” dahil nangyari ito higit 300 kilometro sa ilalim ng lupa, at nagdulot lamang ito ng bahagyang pag-alon at hindi gaanong naramdaman sa ibabaw ng lupa.
Dahil dito, sinabi ng US Tsunami Warning Center na walang ipinalabas na tsunami warning kaugnay ng nasabing lindol.
Please follow and like us: