Magulang pinayuhang maging handa sa muling pagpasok ng anak sa paaralan
Muling nagsagawa ng health forum ang Philippine Heart Association o PHA na tinawag na Usapang Puso sa Puso o UPP.
Tema nito ay Bata, Bata handa ka na ba? Puso, Bakuna at iba pa, ngayong balik eskuwela.
Sinabi ni Dr. Luigi Segundo, Director/Chair Advocacy Committee ng PHA na ngayong face to face na ang klase ng mga bata, napakahalagang bantayan ang kanilang kalusugan lalo na ang mga batang may sakit sa puso.
Ayon pa kay Segundo, ang hindi alam ng marami nating mga kababayan, kahit bata pa ay dinadapuan na ng sakit sa puso, hindi lang ang matatanda.
Sa nasabing UPP forum, tinalakay din ang sakit sa puso na dumadapo sa mga bata tulad ng congenital heart disease at kung paano ito maiiwasan.
Sa pagtatapos ng UPP, inilahad ang mga hakbangin kung paano ang isang batang maysakit sa puso ay manatili na ligtas habang siya ay lumalaki, physical activities na dapat gawin na angkop sa kanilang health condition, ano ang pinakamainam na baon at meal na dapat nilang kainin at higit sa lahat ay binigyang-diin ng mga eksperto ang kahalagahan ng pagbabakuna gaya ng COVID-19 vaccine lalong lalo na ang mga batang maysakit sa puso.
Belle Surara