Mahalagang papel ng maritime lawyers, kinilala ng SC
Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang panunumpa ng mga bagong board of trustees at executive officers ng Maritime Law Association of the Philippines (MARLAW).
Sa kaniyang mensahe sa inductees, inihayag ni Gesmundo ang mahalagang papel ng maritime lawyers lalo na’t ang Pilipinas ay isang arkipelago.
Ayon kay Gesmundo, ang industriya ng domestic shipping ay kritikal na sangkap ng ekonomiya ng bansa.
Maging ang mga dispute aniya sa mga malalayong karagatan ay nakakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Sinabi pa ni Gesmundo na ang pagpapatibay sa Rules of Procedure for Admiralty Cases ay magpapalakas sa paggawad ng katarungan sa admiralty o maritime cases.
Mula aniya na maging epektibo ang nasabing rules noong 2020 ay aabot na sa 10 regional trial courts ang naitalaga bilang “Special Admiralty Courts.”
Moira Encina