Mahigit 10,000 bakanteng trabaho naitala sa Philjobnet ng DOLE sa nakaraang linggo
Kabuuang 10,045 na bakanteng trabaho ang naitala noong nakaraang linggo sa PhilJobNet, ang internet-base job at applicant matching portal ng Department of Labor and Employment
Ayon sa datos ng Bureau of Local Employment, ilan sa top 20 na pinakamataas na bilang ng mga naitalang bakanteng posisyon sa PhilJobNet ay ang call center agent, customer service assistant, staff nurse, at non-formal education teacher.
Ang iba pang bakanteng trabaho ay ang Automotive Mechanic , Cashier, Service Crew , Financial/Accounts Specialist at Sugar Production Machine Operator
Ang mga naghahanap ng trabaho ay pwedeng mag-apply online saPhiljobnet.gov ph at makita ang mga nangungunang kumpanya na tumatanggap ng aplikante sa PhilJobNet.
Sentralisado ang database ng portal na layuning mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga jobseeker.
Ang serbisyo ng PhilJobNet ay libre at maaring magamit sa Job Search Kiosks at sa mga tanggapan ng DOLE attached agencies at regional offices, sa mga Public Employment Service Offices at sa piling unibersidad sa bansa.
Ulat ni: Moira Encina