Mahigit 10K indibidwal nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON
Aabot na sa mahigit 10,000 katao ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa CALABARZON.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH CALABARZON, kabuuang 10,154 indibidwal ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID sa rehiyon.
Samantala, nasa 154,347 indibidwal ang naturukan naman ng first dose ng anti-COVID vaccines sa Region IV-A.
Ipinaalala ni Regional Director Eduardo Janairo sa mga nabakunahan na ng unang dose na huwag kalimutan na magpaturok ng pangalawang dose para maproteksyunan nang buo laban sa virus sakaling patuloy na tumaas ang kaso sa rehiyon.
Aniya mahalaga na makumpleto ang bakuna lalo na’t may iba ng variants ng COVID sa bansa.
May 298 registered COVID vaccination sites sa Region IV-A.
Moira Encina