Mahigit 12,000 pulis, ipapakalat sa Metro Manila sa Lenten break ng mga Katoliko

Halos 12,000 ang ipapakalat na pulis sa Metro Manila para sa Lenten break ng  mga katoliko.

Ayon kay National Capital regional police office Chief Oscar Albayalde ipinag-utos sa mga pulis na magpatrolya sa mga komunidad para maiwasan ang insidente ng pagnanakaw sa mga maiiwang bahay ng mga magbabakasyon.

Ayon kay Albayalde, kadalasang nangyayari ang modus ng Salisi at Akyat-Bahay tuwing summer vacation para samantalahin ang pag-uwi sa mga probinsiya ng libu-libong residente sa Metro Manila.

Tututukan rin aniya ng puwersa ng mga pulis ang mga pampublikong lugar gaya ng Malls, mga paliparan, pantalan at bus terminals sa Quezon City, Pasay at Maynila.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *