Mahigit 13,000 bagong kaso ng Covid-19 naitala ng DOH ngayong araw
Umabot na sa 96,395 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.
Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 13,177 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 4,322 naitalang bagong gumaling.
May 299 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 29,838 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.
Sa ngayon ay 1,713,302 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,587,069 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.
Madz Moratillo
Please follow and like us: