Mahigit 200 libong katao sa China inilikas dahil sa bagyo
Halos sangkapat (1/4) ng isang milyong katao ang inilikas sa silangang China, habang nananalasa ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa na naging sanhi ng pag-apaw ng ilog Yangtze at iba pang mga ilog.
Sa ulat ng state media na Xinhua, 991,000 mga residente sa Anhui province ang apektado ng bagyo habang napilitan namang lumikas ang 242,000 katao nitong Martes ng hapon.
Ayon sa provincial emergency management department, “As of 4 pm Tuesday, rainstorms had wreaked havoc in 36 counties and districts in seven prefecture-level cities in Anhui.”
Nitong nakalipas na mga buwan, ang China ay dumanas ng extreme weather conditions, mula sa malalakas na mga pag-ulan hanggang sa nakapapasong heat waves.
Ang bansa ang nangungunang greenhouse gases emitter, na ayon sa mga siyentipiko ay sanhi ng climate change at dahilan upang ang matitinding weather events ay maging mas madalas at malala.
Sa ulat ng Xinhua, ang lebel ng tubig sa Anhui section ng ilog Yangtze, ang pinakamahabang ilog sa China, ay lumampas na sa kaniyang warning marks at patuloy pa sa pagtaas.
Lumampas na rin ang lebel ng tubig sa kanilang alert levels sa 20 iba pang mga ilog at anim na lawa sa lalawigan, sanhi ng malakas na mga pag-ulan.