Mahigit 200 patay sa flash floods sa Afghanistan

Floods in Afghanistan's Baghlan province have killed more than 200 people, the IOM says © Atif Aryan / AFP

Mahigit sa 200 katao ang namatay at libu-libong mga bahay ang nasira sa Baghlan province, nang magdulot ng malaking pagbaha ang malakas na mga pag-ulan nitong Biyernes.

Ayon sa International Organization for Migration (IOM) ng United Nation (UN), banggit ang figures mula sa Afghanistan National Disaster Management Authority, sa Baghlani Jadid district lamang ay umabot na sa 1,500 mga bahay ang nasira at mahigit sa 100 katao ang namatay.

Sinabi naman ng Taliban government officials na 62 katao ang namatay hanggang nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa tagapagsalita na si Zabihullah Mujahid, “hundreds of our fellow citizens have succumbed to these calamitous floods.”

Since mid-April 2024, flooding in various parts of Afghanistan has left about 100 people dead / Sanaullah SEIAM / AFP/File

Maraming mga lalawigan sa magkabilang panig ng Afghanistan ang binaha, kung saan iniulat ng mga opisyal sa northern Takhar province na 20 pa ang namatay ngayong Sabado.

Sinabi ng defense ministry, na ang mga pag-ulan nitong Biyernes ay nagdulot ng malubhang pinsala sa northeastern Badakhshan province, central Ghor province at western Herat.

Idineploy naman ang emergency personnel sa mga apektadong lugar na nagkukumahog na iligtas ang na-stranded na mga tao.

Ang Afghanistan, na sinalanta ng apat na dekada ng digmaan, ay isa sa sa pinakamahirap sa mundo, at ayon sa mga siyentipiko, ay isa sa walang kakayahan na harapin ang mga epekto ng global warming.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *