Mahigit 3,000 health workers sa Maynila,nabakunahan na kontra COVID-19
Mas tumataas na ang kumpiyansa ng mga healthcare worker sa Maynila sa COVID- 19 vaccines.
Sa Maynila, umabot na sa 3,136 healthcare workers ang nabakunahan kontra COVID-19.
Kabilang sa mga bakunang itinuturok sa kanila ay gawa ng Sinovac at AstraZeneca.
Pero ang AstraZeneca ay ibinibigay muna sa mga Health worker na nasa edad 60 pataas.
Ang Sinovac vaccine kasi ay pwede lang para sa mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos.
Patuloy naman ang panawagan ng Manila LGU sa kanilang mga healthcare worker na huwag matakot o mag – alinlangan sa bakuna dahil para rin ito sa kanilang kaligtasan.
Madz Moratillo
Please follow and like us: