Mahigit 3,400 trabaho inalok ng DMW sa job fair para sa mga kababaihan

0
Mahigit 3,400 trabaho inalok ng DMW sa job fair para sa mga kababaihan

Bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, nagsagawa ang Department of Migrant Workers (DMW) ng kauna-unahang mega job fair para sa mga kababaihan.

Mahigit 3,400 job opportunities sa ibang bansa ang inalok para sa mga kababaihan na naghahanap ng trabaho.

Ayon kay DMW Assistant Secretary Levinson Alcantara, karamihan sa mga trabaho ay para sa skilled at professional fields sa sektor ng healthcare, food and beverage, turismo, manufacturing, at seafaring.

Karamihan sa countries of destination ay sa Gitnang Silangan at Europa.

Hinimok ng DMW ang mga lumahok na pribadong recruitment agencies na mag-hire- on-the-spot kung nakapasa naman sa requirement at kuwalipikasyon ang job seekers

Ayon kay Alcantara, “Ito yun g pamamaraan ng Dept. Of Migrant Workers na makiisa sa ating mga kababaihan. Magbigay tayo ng disenteng oportunidad para sa overseas employment sa kanilaat pangalawa, turuan na sila para doon sa digital na pakikipag-transact sa paghahanap ng trabaho. Hindi lag po kayo babae lang , kayo po ay babae, pillar ng ekonomiya at social development.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *