Mahigit 5 milyong ecstasy nasabat ng Bureau of Customs
Aabot sa 5.4 milyong pisong halaga ng ecstasy ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Pampanga.
Ayon sa BOC, ang mga nasabing ecstasy tablet ay mula sa Brussels, Belgium at idineklara bilang Bass Booster speaker.
Pero matapos ang ginawang inspeksyon, natagpuan ang mahigit 3,000 tableta ng iligal na droga na itinago sa mga gilid ng karton.
Agad naman itong isinailalim sa pagsusuri at nakumpirmang Ecstacy ang mga ito.
Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa R.A. 9165 otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.
Itinurn over na rin ang iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa proper disposition.
Madz Moratillo