Mahigit 50 kabahayan sa Barangay Old Balara, Q.C. nasunog
Mahigit sa 50 kabahayan sa South Suzuareggui compound, Barangay Old Balara, Quezon City ang tinupok ng apoy, alas-dos ng madaling araw kanina.
Mabilis na kumalat ang apoy at minuto lamang ang binilang kaya agad itong inakyat sa ikatlong alarma.
Ayon sa ilang residente, nagsimula ang sunog sa isang junkshop at kabi-kabilang pagsabog pa umano ang kanilang narinig habang lumalaki ang apoy.
Karamihan sa mga residente ay walang naisalbang kagamitan maliban sa suot nilang damit.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang sunog sa tahanan ng isang Alfredo Montemayor.
Ayon kay Fire Supt. Manuel Manuel, tinitingnan din nila ang anggulo ng faulty electrical wiring.
Idineklarang fire under control ang sunog makalipas ang dalawang oras.
Aabot naman sa 500,000 libong piso ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.
Wala ring napaulat na nasaktan o namatay sa nasabing insidente.
Kasalukuyang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers ang lahat ng pamilyang apektado ng sunog.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ===
Please follow and like us: