Mahigit 50% ng Pinoy, kumbinsidong magbabalik ang traditional politics

Kalahati umano ng mga Pinoy ang kumbinsidong manunumbalik lamang ang traditional politics kung mananalo sa halalan 2022 si dating senador at presidential aspirant Bong Bong Marcos.

Batay ito sa resulta ng isinagawang non-commissioned survey ng Tangere noong December 13, 2021.

Ang Tangere ay isang award winning team na nagbibigay ng real time actionable market insights para sa public at private sector gamit ang makabagong technology at big data analytics.

Ayon sa survey, mahigit kalahati o 52 percent ng 1,200 na sinurvey mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagsasabing hindi aangat ang kanilang buhay kapag nanalo si Marcos.

Ayon kay Martin Peñaflor CEO at founder ng Tangere, ang mga mahihirap na sektor ang nawalan ng tiwala kay Marcos kung kayat posibleng maghahanap ang mga ito ng alternatibong leader sa katauhan nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.

Sinabi pa ni Peñaflor na naniniwala ang mga taga Metro Manila na bumoto noon kay dating senador Mar Roxas na kung ito ang nanalo noong 2016 ay wala din magiging pagbabago sa bansa.

“We have leading candidates that are seen by many as traditional politicians where the poorest don’t believe inequality will be addressed and where many of the voters feel like even if their candidate is elected, it is still better to leave the country.”

Lumabas rin sa survey na 30 percent lang ng mga sinurvey ang naniniwala na isang strong leader si Marcos.

Please follow and like us: