Mahigit 500 empleyado ng MRT, LRT at PNR, nagpositibo sa Covid-19
Nagpapatuloy ang isinasagawang mass testing sa mga Rail line employees.
Ito ay alinsunod sa kautusan ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magsagawa ng regular mass testing sa MRT, LRT at Philippine National Railways (PNR) upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.
Sa pinakahuling datos ng Department of Transportation (DOTr), 131 MRT-3 employees ang nagpositibo sa virus infection mula sa kabuuang 860 personnel na isinailalim sa testing.
131 na personnel din ng PNR mula sa kabuuang 1,013 na isinailalim sa testing ang nagpositibo.
Habang nasa 143 personnel naman ng LRT-2 mula sa 571 na isinailalim sa testing ang nagpositibo sa Covid-19.
Maliban pa ito sa 1,277 na nakatakdang sumailalim sa swab test.
Dahil sa nagpapatuloy na mass testing, nananatiling limitado ang biyahe o operasyo ng mga rail line.