Mahigit 504 libong katao, nabakunahan na ng 1st at 2nd dose sa Las Piñas
Umabot na sa mahigit 504 na libo ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan para sa 1st at 2nd dose sa Las Piñas City.
Ito ang pahayag ni Dr. Julie Gonzalez, Technical Officer at Vaccination Supervisor ng City Health Office.
Aniya, higit na sa 286 na libo ang nabakunahan ng 1st dose at mahigit namang 209 na libo ang para sa 2nd dose.
Bukod sa mga bakuna na naiturok na sa mga vaccinee, may dumating pa aniyang supply ng mga bakuna para sa lungsod.
Samantala, sa huling datos ng Las Piñas, umaabot na sa 18,030 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, matapos na may maragdag na 32 bagong mga kaso.
Sa kabuuang bilang, 304 ang active cases habang 17, 267 naman ang recoveries at 459 ang total deaths.
Kaugnay nito ay nanawagan si Dr. Gonzales sa mga hindi pa nakapagpabakuna na magparehistro na, at kapag sila’y may QR Code at Patient ID # ay maaari nang magpabakuna ayon sa kanilang schedule.
George Gonzaga