Mahigit 6 milyong manggagawa, nanganganib mawalan ng trabaho dahil sa Pandemya
Posibleng mawalan ng trabaho ang nasa 6.3 milyong mga manggagawang Filipino kapag tuluyan nang nagsara ang mga kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Banks, sinabi ni Landbank of the Philippines (LBP) AVP, Chief Market Economist Mr, Guian Angelo Dumalagan, batay sa kanilang pag-aaral, aabot sa 1,250 mga malalaking kumpanya ang nanganganib magsara.
Ilan rito ay mga kumpanyang may tinatayang nasa 190,000 ang empleyado.
Pinaka-apektado umano ang Manufacturing, Construction, Transportation, Real Estate, Accommodation at Food services.
Meanne Corvera