Mahigit 60 patay sa gun attack sa Moscow
Mahigit 60 katao ang namatay at mahigit 100 ang nasugatan sa ginawang pamamaril ng armadong mga lalaki sa isang concert hall sa Moscow, sa isang pag-atakeng inako ng Islamic State group.
Pumasok sa gusali ang mga attacker na nakasuot ng camouflage uniforms, nagpaputok at naghagis ng isang granada o incendiary bomb, ayon sa isang mamamahayag ng RIA Novosti news agency..
Mabilis na kumalat ang apoy sa Crocus City concert hall na nasa northern Krasnogorsk suburb ng Moscow, habang nag-unahan namang lumabas habang nagsisigawan ang mga tao nang magsimulang mabalot ng usok ang gusali.
Kuwento ni Alexei, isang music producer, “I was about to settle into my seat before the start of a rock concert when i heard gunfire and a lot of screams. I realised right away that it was automatic gunfire and understood that most likely it’s the worst: a terrorist attack.”
Aniya, “As people ran towards emergency exits, there was a terrible crush with concert-goers climbing on one another’s heads to get out.”
Sinabi ng Investigative Committee ng Russia na mahigit 60 ang namatay, o naragdagan mula sa naunang iniulat na 40 ng Russian news agencies.
Ayon kay Russian Health Minister Mikhail Murashko, 115 katao ang naospital, kabilang ang limang bata, na ang isa ay malubha ang lagay. Sa 110 adult patients, 60 ang nasa seryosong kondisyon.
Sinabi ng mga awtoridad na sinimulan na ang isang “terrorist” investigation, at tuloy-tuloy namang nakatatanggap si President Vladimir Putin ng updates, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Dmitry Peskov.
Sabi naman ng Islamic State group, “Our fighters attacked ‘a large gathering’ on Moscow’s outskirts and ‘retreated to our bases’ safely.”
Ang Telegram news channels na Baza at Mash, na malapit sa security forces, ay nagpakita ng video images ng apoy at itim na usok mula sa concert hall.
Ang iba pang mga larawan ay nagpapakita naman sa concert-goers na nagtatago sa likod ng mga upuan o nagtatangkang tumakas.
Ayon sa Interfax banggit ang security services, “Between two and five people ‘wearing tactical uniforms and carrying automatic weapons’ opened fire on guards at the entrance and then started shooting at the audience.”
Sinabi naman ng isang saksi, na ilang minuto bago ang simula ng concert ng Piknik nang umalingawngaw ang automatic gunfire.
Nasa 100 katao ang nakatakas sa pamamagitan ng basement, habang ang iba ay nagtungo sa bubong, ayon sa emergency services ministry Telegram channel.
The picture shows the burning concert venue Crocus City Hall following the shooting incident in Krasnogorsk, outside Moscow, on March 22, 2024. Gunmen opened fire in the concert hall, leaving several dead and wounded before the fire spread through the building, Moscow’s mayor and Russian news agencies reported. /Photo by Sergei Vedyashkin / Moskva News Agency / AFP /
Tatlong helicopters naman ang kasama sa mga umapula sa sunog, kung saan binuhusan nila ng tubig ang higanteng concert venue na kayang maglaman ng ilang libong katao, at pinagtanghalan na rin ng international artists.
Ilang sandali bago maghatinggabi, sinabi ng emergencies ministry na ang sunog ay nakontrol na. Kalaunan ay sinabi ni Moscow governor Andrey Vorobyov na nagawa nang makapasok ng rescuers sa auditorium.
Hindi nagsagawa ng public comment si President Putin sa nangyari ngunit nagsabing hiling niya ang mabilis na paggaling ng mga nasugatan, ayon kay deputy prime minister Tatyana Golikova.
Pahayag naman ni Russian foreign ministry spokeswoman Maria Zakharova, “It had been a ‘bloody terrorist attack.’ The whole international community must condemn this odious crime.”
Tinawag na “terrible” ng US presidency ang pag-atake at sinabing walang agad na senyales ng anumag kaugnayan nito sa giyera sa Ukraine.
Ipinahayag din ng Ukraine presidency na “walang kinalaman” ang Kyiv sa pag-atake, habang tinawag naman ng military intelligence na ang insidente ay isang Russian “provocation” at inakusahan ang Moscow special services na nasa likod nito.
Itinanggi rin ng Freedom of Russia Legion, isang pro-Ukrainian militia na responsable sa mga pag-atake sa border regions ng Russia na may kinalaman sila sa nangyari.
Isinumpa naman ni dating Russian president Dmitry Medvedev sa Telegram, na ang matataas na opisyal ng Ukraine, “must be found and ruthlessly destroyed as terrorists if they were linked to the attack.”
Samantala, kinondeda rin ng United Nations, European Union, France, Spain, Italy at ilan pang mga bansa ang pag-atake.
Ayon sa White House, “our thoughts are with the victims of this terrible shooting attack,” habang nagpahayag din si French President Emmanuel Macron ng “solidarity with the victims, their loved ones and all the Russian people.”
Ang Moscow at iba pang Russian cities ay naging target na ng mga naunang pag-atake ng Islamist groups, ngunit mayroon ding mga insidente na walang malinaw na motibong politikal.
Sa mga naunang bahagi ng buwang ito, sinabi ng US embassy sa Russia na minomonitor nito ang mga ulat na nagpaplano ang mga “extremist” na targetin ang “malalaking pagtitipon sa Moscow,” kabilang na ang mga konsierto.
Nitong Biyernes ay nagbabala ang White House sa Russian authorities tungkol sa isang “planned terrorist attack” na posibleng targetin ang “malalaking pagtitipon” sa Moscow.
Sinabi ni National Security Council spokeswoman Adrienne Watson, “Washington had ‘shared this information’ with Russian authorities.”