Mahigit 6,000 OFW’s mula sa Davao Region apektado ng krisis sa Qatar – OWWA

Courtesy of Wikipedia.org

Aabot sa mahigit 6,000 na OFW’s mula sa Davao Region ang apektado ngayon sa diplomatic crisis sa Qatar matapos putulin ng Arab Gulf countries kabilang na ang Saudi Arabia, Bahrain, Egypt at United Arab Emirates ang diplomatic ties nila sa nasabing bansa at pagsuspinde ng mga flights papuntang Doha.

Dahil ditto, naghanda na ang Overseas Workers Welfare Administration Davao Region sa tulong na maaaring ibigay sa mga Overseas Filipino Workers  na apektado ngayon sa diplomatic crisis sa Qatar.

Ayon kay Eduardo Balledo, OWWA Davao Regional director, handa na ang assistance program para sa OFW’s na kinabibilangan ng tulong pinansiyal, livelihood at job referrals para sa mga ito.

Dagdag pa ni Bellido, tatlong porsiyento sa kasalukuyang populasyon ng OFW’s sa Qatar ay mula sa Davao Region.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *