Mahigit 7.5 milyong indibidwal sa bansa nakatanggap na ng unang dose ng COVID 19 Vaccine
Umabot na sa mahigit 10 milyong doses ng COVID 19 vaccine ang naiturok dito sa Pilipinas.
Sa datos mula sa Department of Health, nasa mahigit 7.5 milyong indibiwal sa bansa ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna, ang mahigit 2.5 milyon dito ay fully vaccinated na.
Sa A1 naman o mga health worker, mahigit 1.6 milyon na ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang mahigit 1.1 milyon na ang fully vaccinated.
Sa A2 o senior citizens, mahigit 2.2 milyon na ang nabigyan ng unang dose ng bakuna habang mahigit 672 libo ang fully vaccinated na.
Sa A3 o persons with commorbidities naman ay mahigit 2.5 milyon na ang nabigyan ng unang dose ng bakuna kung saan mahigit 710 libo rito ang fully vaccinated na.
Sa A4 o economic workers, nasa mahigit 829 libo na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang mahigit 12 libo na ang fully vaccinated.
Sa A5 naman o indigent population, ay nasa mahigit 184 libo na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Madz Moratillo