Mahigit 7,000 menor de edad, nabakunahan na kontra Covid-19 sa Maynila
Umabot na sa 7,143 kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos sa Maynila ang naturukan na ng Covid -19 vaccine.
Ayon sa Manila LGU, kahapon sa unang araw ng pagbabakuna maging sa mga menor de edad na walang comorbidities, umabot sa 3,669 ang nabakunahan.
Ayon sa Manila LGU, ngayong araw, muling ipagpapatuloy ang mass vaccination para sa nasabing age group sa 6 na District Hospitals sa Lungsod.
Ito ang Sta Ana Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Jose Abad Santos General Hospital kung saan bawat isa ay may tig-500 doses ng bakuna
Ang bakunahan ay mula 7:00 am hanggang 4:00 pm.
Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na sa mga darating na araw ay magsasagawa na rin sila ng pediatric vaccination sa mga mall para mas marami pa ang mahikayat na magpabakuna.
Nabatid na may mahigit 51,000 kabataan na sa Maynila ang nagparehistro para magpabakuna kontra Covid-19.
Madz Moratillo