Mahigit 8,000 pumasa sa 2020/ 2021 Bar Exams
Kabuuang 8,241 ang pumasa sa kauna-unahang digitalized at localized bar examinations.
Ayon kay Bar Exams Chairperson Justice Marvic Leonen, katumbas ito ng 72.28% passing rate mula sa 11, 402 na kumuha ng pagsusulit.
Sinabi ni Leonen na mula sa mahigit 8,000 bar passers ay 761 ang exemplary passers o may grado na 85% hanggang 90%.
Samantala, wala nang inanunsiyo ang SC na Top 10 bar passers
Pero inihayag ni Leonen na may 14 bar takers na kinilala para sa excellent performance dahil sa grado na higit sa 90%.
Iniranggo rin ng SC ang mga law schools base sa percentage ng bar passers at bilang ng excellent passers.
Itinakda ang oath taking ng mga bagong abogado sa Mayo 2 sa SM MOA Arena.
Moira Encina