Mahigit 900 na bagong kaso ng Omicron subvariants, naitala
May 923 bagong kaso ng Omicron subvariants ng COVID- 19 ang naitala sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, ang 890 rito ay positibo sa BA.5.
Ayon sa DOH, ang 650 sa kanila ay fully vaccinated, 18 ang partially vaccinated habang inaalam naman ang vaccination status ng iba pa.
Ang 823 sa kanila ay nakarekober na, ang 31 ay naka isolate pa at bineberipika naman ang sa iba pa.
Sa kabuuan may 1,997 kaso na ng BA.5 sa bansa.
May 18 BA.4 cases naman ang natukoy mula sa pinakahuling genome sequencing.
13 sa kanila fully vaccinated na habang bineberipika naman ang sa iba pa.
Nakarekober naman na ang 17 sa kanila habang sumasailalim pa sa isolation ang iba.
Sa kabuuan, may 71 na ang kaso ng BA.4 sa bansa.
May 15 BA.2.12.1 naman ang bagong natukoy sa bansa.
8 sa kanila ang fully vaccinated, 1 ang partially vaccinated habang bineberipika naman ang sa 6.
14 sa kanila ang nakarekober na habang naka isolate ang isa pa.
Sa kabuaan, umabot na sa 154 ang naitalang kaso ng BA.2.12.1 sa bansa.
Madelyn Villar – Moratillo