Mahigit sa 5 libong illegal vape nakumpiska sa Las Piñas City
Umabot sa 5,385 illegal vape ang nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue Illicit Trade Task Force (BIR-ITTF), sa ikalawang araw ng Philippine Vape Festival 2024, na ginanap sa The Tent sa lungsod ng Las Piñas.
Ang raid ay agarang isinagawa ng BIR-ITTF sa tulong ng Las Piñas City Police, makaraang makumpirma sa surveilance na may mga naka-display at ibinibentang illicit vape na walang internal revenue stamp.
Courtesy: BIR-ITTF/Jp Nini Pres. NCITAC
Ayon sa BIR, magkakaroon dapat ng “Compliance Summit” ang Philippine Vape Festval 2024, upang matalakay ang mga hakbang upang maging alinsunod sa mga regulasyon at policy ng BIR ang pagtitinda ng vape.
Subalit bago pa man ganapin ang nasabing Compliance Summit, ay nakapagsagawa na ng surveillance ang mga operatiba ng BIR sa festival sa atas na rin ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ay nakapagsagawa na ng Surveillance ang mga Operatiba ng BIR sa Festival sa atas Ni BIR Commisioner Romeo Lumagui Jr.
Courtesy: BIR-ITTF/Jp Nini Pres. NCITAC
Nadiskubre ng mga operatiba na marami sa mga nasabing negosyante ang nanloloko ng kapwa nila vape seller, dahil sinasabi ng mga ito na “compliant” ang kanilang paninda subali’t wala namang internal revenue stamps.
Ayon sa BIR, magsilbi sanang paalala ang isinagawa nilang raid sa mga artista, influencers at endorsers ng illegal vape na huwag nilang suportahan o ikabit ang kanilang pangalan sa mga illicit vape company at traders, maging sa mga bumubuo ng Philippine Vape Festival.
George Gonzaga