Mahigit sa anim na libong bagong kaso ng Cervical Cancer naitala ng DOH

Suliranin pa ring pangkalusugan  hanggang sa kasalukuyan ang pagtaas ng bilang ng mga kababaihang dinadapuan ng cervical cancer dito sa bansa.

Ayon sa Department of Health, nakapagtala sila ng mahigit na anim na libong mga bagong kaso ng cancer.

Kaya naman, tuloy tuloy ang kanilang programang immunization sa mga paaralan para maprotektahan ang mga batang mag aaral laban sa nabanggit na cancer.

Sa pag aaral pumapangalawa ang cervical cancer sa mga cancer related cases na nagiging sanhi ng kamatayan sa buong mundo.

Payo ng DOH lalong lalo na sa panig ng mga nanay na may anak na mga batang babae, makipag-ugnayan sa health center na malapit sa kanilang tahanan at alamin kung paano sila makaka-avail ng bakuna laban sa cervical cancer.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *