Mahigit sa dalawang milyong tao sa buong mundo, namamatay dahil sa Obesity at Overweight, ayon sa WHO

Ginunita ng Department of Health o DOH ang Obesity Prevention Awareness week.

Binibigyang-kahulugan ng mga eksperto na ang Obesity ay isang kundisyon kung saan sobra ang taba sa katawan ng isang tao.

Batay sa datos ng World Health Organization o WHO,  nito lamang 2017,  2.8 milyong katao sa buong mundo ang namamatay sanhi ng obesity o overweight.

Ayon sa WHO, noon, iniuugnay ang obesity sa mga high- income na mga bansa, ngunit, sa kanilang pag aaral, laganap na rin ang obesity at overweight sa mga low at middle income na mga bansa.

Binibigyang diin ng WHO na ang gobyerno, international partners, civil society, non-governmental organization at private sectors ay may mahahalgang papel na dapat gampanan upang maiwasan ang naturang problemang pangkalusugan.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *