Mahigit siyam na libong family food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa Eastern Samar dulot ng shear line

Photo courtesy: DSWD
Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ng 9,292 family food packs sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa Eastern Samar, dulot ng shear line.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na ang family food packs na ipinamahagi sa mga binahang residente ng Eastern Samar, ay mula sa DSWD field office sa Region 8.
Ayon kay Dumlao, nasa 23,000 family food packs ang inihanda upang ipamahagi sa mga binahang residente sa Region 8.
Batay sa report ng DSWD field office sa region 8, pinakaapektado ng pagbaha ang mga bayan ng Taft, Can-Avid, San Policarpio at Borongan sa Eastern Samar.