Mahigit walong libong pulis, ipakakalat ng NCRPO kaugnay ng holiday season

Mahigit walong libong mga pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong kamaynilaan, sa pangunguna ni acting Regional Director Pol. Brig. Gen. Anthony Aberin.

Katuwang din ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Phil. Coast Guard (PCG), local government units (LGUs), force multipliers at iba pang government agencies sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ngayong holiday season.

Ayon sa NCRPO, madaragdagan pa ang nabanggit na bilang hanggang sa pagsalubong naman sa bagong taon.

Ang mga pulis ay idi-deploy simula Dec. 16, 2024 hanggang January 6, 2025.

Marching orders ni Aberin ay ang pagsunod sa prinsipyo ng pagiging AAA o ang able, active and allied police officers.

Able – laging handa at may sapat na kakayahan upang rumesponde sa anumang insidente.

Active – may presensiya sa bawat sulok ng komunidad at mas paiigtingin pa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko

Allied – may malawak na suporta at pakikipagtulungan mula sa iba’t ibang sektor upang patuloy na isulong ang kaayusan at kapayapaan.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *