Mahigpit na pagbabantay sa mga quarantine control points, tiniyak ng PNP sa gitna ng mga naitatalang kaso ng Covid-19 variants sa bansa
Muling pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang mga pulis na patuloy na mahigpit na bantayan ang mga border control points sa bansa kasunod ng pagpasok ng mga kaso ng Covid-19 variant sa bansa.
Partikulara niya dito ang Deta o Indian variant na napakabilis makahawa kumpara sa iba pang variants.
Bilang mga enforcer, tutulong aniya ang mga pulis sa pagpapatupad ng health protocols para sa kaligtasan ng publiko.
Pero maliban sa pagbabantay sa publiko, pinag-iingat din ni Eleazar ang kaniyang mga tauhan upang hindi matamaan ng malubhang karamdaman.
Masusi din aniyang nakikipag-ugnayan ang mga pulis sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapautpad ng health safety standadr at quarantine protocol.
“Makaaasa ang ating mga kababayan na patuloy po kaming magbabantay sa mga Quarantine Control Points, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19,” – Gen. Eleazar