Mahomes itinanghal na Super Bowl MVP sa ikatlong pagkakataon
Sa ikatlong pagkakataon ay iginawad kay Kansas City Chiefs quarterback Patrick Mahomes ang Super Bowl Most Valuable Player award, matapos pangunahan ang Kansas City Chiefs sa 25-22 overtime win laban sa San Francisco 49ers.
Nakumpleto ni Mahomes ang 34 sa 46 na passing attempts para sa 333 yards at dalawang touchdowns upang tulungan ang Chiefs na makabawi sa naunang 10-point deficit at maging unang team na muling naging kampeon sa Super Bowl mula nang makamit ito ng New England Patriots noong 2003-04.
Tatlo na ngayon ang Super Bowl crowns ng Chiefs sa loob ng limang taon, at si Mahomes din ang nakakukuha ng MVP sa tatlong tagumpay ng koponan.
Kung bakit mahusay si Mahomes ay sinabi ni Travis Kelce, “Preparation. This guy works harder than anybody I’ve ever met in my life. That only makes me want to play harder for them guys. We know that he’s prepared and his instincts just take over. And he leads us to another one.”
Sinabi naman ni Mahomes, habang nagliliparan ang mga confetti, “The victory means a ton.”
Aniya, “I’m proud of my guys, man, this is awesome. It’s legendary.”
Tie na ngayon si Mahomes sa Hall of Fame quarterback na si Joe Montana para sa “second-most Super Bowl MVP awards.”
Si Mahomes, na pinangalanan ding Super Bowl LIV at LVII MVP, ang ikatlong player na nanalo na ng tatlong Super Bowl Most Valuable Player awards, kasama ni Tom Brady (na mayroon nang lima) at Pro Football Hall of Famer Joe Montana (na mayroon na ring tatlo).
Sa ginanap na presentation ng trophy, habang hawak ang Lombardini Trophy ay sinabi ni Mahomes, “Kansas City, I’ll see you at the parade. Let’s do it, baby.”