Maintenance schedule activities ng MRT, LRT at PNR para sa linggong ito, ipinalabas ng DOTr
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang iskedyul ng maintenance activities ng MRT, LRT at PNR para sa mahabang bakasyon o holiday ngayong linggong ito.
Batay sa advisory ng DOTr, pansamantalang suspendido ang operasyon ng MRT line 3 mula Abril 13 hanggang 17 (Miyerkules hanggang Linggo).
Suspendido rin ang operasyon ng LRT Line 1 mula Abril 14 (Huwebes) hanggang Abril 17 (Linggo) habang ang LRT Line 2 naman ay sisimulan ang tigil operasyon mula Abril 13 (Miyerkules) hanggang Abril 17 (Linggo).
Ang last trip sa LRT -1 sa Abril 13 sa Baclaran station ay 9:15 pm at sa Balintawak station ay 9:30 pm.
Habang 8:00 pm naman ang last trip sa LRT-2.
Sabay-sabay namang magbabalik operasyon ang MRT-3, LRT-1 at 2 sa Lunes, Abril 18, 2022.
Habang ang Philippine National Railwways (PNR) ay tigil din ang operasyon mula Abril 14 (Huwebes) hanggang Abril 16 (Sabado) at magbabalik operasyon sa Abril 17, Linggo.
Ayon sa DOTr, ang maintenance activities ng mga railway line ay taunang isinasagawa para sa lalung ikagaganda ng serbisyo at pabibiyahe ng mga komyuter.